Ngunit, habang humahaba ang paglalakbay natin sa buhay na itinakda para sa atin, aking napagtantao na ang lahat ng paninindigan natin tungkol sa pag-ibig ay nababago. Bunga na rin siguro ito ng mga karanasang nagpasaya, nagpalungkot o hindi kaya nakasakit sa ating mga damdamin. Sabi nga nila, karanasan daw ang nakapagpapabago sa pagtingin natin sa mga bagay-bagay. Oo, totoo iyon, dahil sa aking paglaki at pagtahak sa bawat karanasan, ang pag-ibig ay hindi na lamang basta sa pagitan ng isang pamilya kundi isa rin itong biyahe ng buhay na lahat tayo ay kinakailangang pagdaanan.
Isang bagay nga ang makapagbubuod kung ano ang pag-ibig para sa akin, at ito ay ang depinisyon ni Zoe Johnson sa pag-ibig. Ayon sa kanya, sa lahat ng damdamin tanging pag-ibig lamang ang nangingibabaw sa pamamagitan ng oras. Kaya nitong hamakin ang lahat ng bagay. Ito ang pinaka-makapangyarihang elemento ng buhay na nagbibigay ng sigla at kagalakan sa atin. Walang saysay ang buhay kung walang pag-ibig. Hindi sa lahat ng oras ay tao ang kinakailangang paglaanan nating nga ating pag-ibig, maari rin naman itong ilaan sa mga bagay na tunay na nakapagpapasaya sa atin. Sinabi rin ni Johnson na kahit na lahat ng kayamanan ay nasa iyo na, kung wala ka namang mahal sa buhay na makakasama upang matamasa ang sarap ng buhay na mayroon ka, ang lahat ng ito ay walang saysay. Ang pag-ibig ay isa raw paglalakbay sa buhay na isang masayang karanasan.
Isa pang paniniwalang aking pinanghahawakan ay nagmula sa liriko ng kanta ni KC Concepcion na nagsasabing ang pag-ibig ay hindi tulad sa isang pelikula. Totoo ito, karamihan kasi sa atin (lalo na ang mga kababaihan) ay inihahambing ang pag-ibig sa mga pelikula. Malayo ito sa katotohanan, dahil hindi sa lahat ng oras ay may magandang pagtatapos ang pag-iibigan. Marahil nga ay masarap tignan ang konsepto ng pag-ibig sa perspektibo ng pinilakang tabing, ngunit naniniwala ako na mas masarap itong maramdaman sa riyalidad. Maliban pa rito, naniniwala akong walang kahit isa sa atin ang nakakaalam kung ano ang storya ng pag-ibig na inilaan para sa atin, dahil ang Diyos lang ang sumusulat ng ating mga storya.
Sa kabilang dako, hindi lamang ang aking mga karanasan ang nagturo sa akin ng tunay na depinisyon ng pag-ibig. Nariyan rin ang institusyong aking pinanggalingan kung saan pinalawak at pinalinaw kung ano ang pag-ibig. Ayon sa aming pag-aaral sa wika noong ako ay nasa mataas na paaralan pa lamang, may iba't ibang uri daw ng pag ibig:
- Eros - pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao
- Storge - pagmamahal sa pamilya
- Philia - pagmamahal sa pagitan ng magkakaibigan
- Agape - pagmamahal sa kapwa
- filia-nagmamahal sapagkat siya rin ay minamahal bilang kapalit. Dahil sa mga kaalaman na ito na natutunan ko sa aking pamamalagi sa mundong kumanlong sa akin sa iilang taon kong pamumuhay natutunan ko na ang pag-ibig ay isang daan upang tayo lumago bilang isang indibidwal, ito rin ang makapagpapatibay kung ano tayo, sino tayo at ano ang ating kahihinatnatnan sa mundong ito dahil mayroong PAG-IBIG na naghahari sa ating mga puso.
ano po yung suring sanaysay nyan
TumugonBurahin