Isang taon matapos ang pambansang eleksyon sa Pilipinas, malaki na ang pinagbago ng ating bansa. Kung ating napapansin halos lahat ng paraan upang mapaginhawa ang buhay ng mga Pilipino ay ginagawa na ng ating gobyerno. Binigyang solusyon nila ang problema ng mga drayber sa gasolina, nagpapatupad sila ng programang makakapagbibigay ng puhunan sa mga mahihirap upang sa ganoo’y makapagsimula sila ng magandang buhay. Ngunit, isang tanong ang gumugulo sa akin, bakit kaya kahit anong gawin ng pamahalaan ay hindi pa rin makuntento ang mga Pilipino?
Siguro nga ay nagkaroon ng kaunting pagkukulang ang gobyerno kaya mas nagiging mahirap ang pamumuhay dito sa bansa. Pero isipin natin, hindi ba dapat tayo rin ay kailangan kumilos upang mas mabilis nating maramdaman ang pagbabagong ating inaasam. Hindi ba dapat na tulungan natin ang pamahalaan imbis na lagi tayong nagproprotesta sa daan sa bawat kamaliang ating napapansin? Mahalaga ang oras at hindi natin dapat ito sinasayang, tayo ay magkapit-bisig ng sa ganoo’y dumating din ang ginhawa sa buhay na hinahangad ng bawat mamamayan. Pasasaan pa’t sayo rin naman nakasalalay ang pagbabagong hinahangad mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento